Bago pa man ako magsimulang maglaro ng Valorant, unang nakita ko ito sa YouTube at social media, lalo na ang mga gameplay ng pro player na si TenZ. Habang pinapanood ko siya, naisip ko subukan ang larong kanyang pinaglalaruan. Sa aking unang pagsabak, siya ang naging inspirasyon ko para seryosohin ang paglalaro at maging masigasig sa Valorant. Dito nagsimula ang aking journey, at naalala ko pa ang aking unang rank ay Bronze at dito ko nahanap ang aking motivation.
Habang tumatagal ang paglalaro ko ng Valorant, napansin ko ang pag-improve ng aking skills, at tumaas din ang aking rank. Umabot ako sa Gold, at kalaunan ay Platinum. Mas ginanahan ako maglaro dahil bukod sa progress, nakatagpo rin ako ng mga bagong kaibigan na naging kalaro ko sa journey na ito.
Ilang buwan pa ang lumipas, patuloy na tumaas ang aking rank at naging Ascendant—ang pangalawang pinakamataas na rank sa Valorant. Sa puntong ito, ninais ko nang maging isang content creator para sa FPS games, o kaya’y maging isang professional Valorant player at sumali sa mga tournaments. Pangarap kong manalo at, kung may premyo man, makatulong sa mga pangangailangan sa bahay. Maraming salamat sa inyong suporta!.